Spending the moment in Nitro Hub
February 27, 2005 ~ 7:05 AM

I'm with my friends Jama and Detdet right now. I am sleepy. Pero mejo frustrated din sa nakita ko sa myspace. Meron kasi akong kinaaasarang girl na pag nakikita ko tlga sha eh nanggagalaiti ako sa asar. In other words, asar ako sa pagmumukha nya. Feeling maganda kasi eh. At pag nagpopose pa sha sa mga pics nya ginagaya nya sa heart. Feeling heart! Tama ba naman yun?


O sya, sya, tama na at malalate na ako sa Filipino.=) naglog out na si jama.=)

0 comments




kakaibang encounter
February 24, 2005 ~ 3:33 PM

nakasakay kami sa jeep pabalik ng uste (galing kasi kami nun ng Manila North Cemetery para sa sepulturero, ayan nanaman heheheh) at naligaw ligaw pa nga kami kaya't nang nasulyapan ko ang jeep na nakasulat quiapo españa ay kulang nalang magtatalon kami sa tuwa ni brent.
nung nasa jeep na, nakatabi ko ang isang lalaking nakared na pantalon at blue na t-shirt. hindi po baliktad ang kanyang damit, baliktad lang ang kulay. namumula pa ang mata nya, mukha siyang bagong gising.
pagdating sa may sto. domingo church, may mga ale na gusto nang bumaba at nagpapara na sa driver, saying "wow! nandito na tayo sa quiapo church!"
sabi nung driver at nung katabi nya sa harap, "naku ale, sige pag bumaba kayo jan maliligaw kayo! ang layo pa ng quiapo!"
biglang bumulong bulong yung mama na nakared pants sa tabi ko. feeling ko nga sa akin nya binubulong eh. sabi nya "mga tanga, mga gago, ang layo layo pa ng quiapo, mga gago"
shempre hindi ko siya pinansin kasi ang weird nya diba? ang O.A. naman ng reaction nya. maya maya, i can feel his left leg touching mine. as in dinidikit nya, and ako naman urong ng urong kay brent, as in siksik to the max ako kay brent dahil ayoko yung touchy feely ng mga hita namin nung mamang nakared. kaya lang dahil masikip sa jeep at maraming nakasakay, hindi ako makaurong ng tuluyan. konting bukaka lang nung mama ay nakadikit nanaman ang hita nya sa akin.and he seemed to like it very much. bulong pa siya ng bulong ng kung ano ano na di ko maintindihan. basta alam ko puro mura ang sinasabi nya.and nakatingin siya sa akin as if ako ang kausap nya (ako nga ba ang kausap nya o sarili nya?)
ginawa ko I shifted my body in a way na talagang mararamdaman nya na nabwibwiset na ako dahil sa pagdidikit nya ng katawan nya sa akin at sa laki ng bukaka nya, kasya na ang dalawang tao.
bigla ba naman siyang lumipat ng pwesto! as in umupo siya sa kabilang side ng jeep facing me! at nanlilisik ang mga mata nya sa akin! tapos nung may nagpapa-abot ng bayad, halos ibato nya yung coins sa kamay nung driver. naglaglagan ang mga barya at pabarumbado niyang pinulot. kinalabit ako ni brent tapos tiningnan nya ako with an expression na "anong problema nun?"
buti nalang nasa uste na kami at bababa na kami. pagbaba, biglang sinabi ni brent "alam mo yung mama ang sama sama ng tingin sa iyo. nakatingin siya sa iyo all the way."
sabi ko, "oo nga eh, feeling ko nagalit siya sa akin kasi dinidikit nya yung hita nya sa akin, ayoko. at pabulong bulong pa siya."
yun lang, later on we concluded na baka naka-"tira" yung mama.
thanks for reading.=)

0 comments




Hahaha!
February 20, 2005 ~ 7:00 AM

puro violent reactions ang mga tao sa nangyari kay Dacles. E totoo naman kasi ang galing galing ni Dacles at natalo siya ng mga ... hayy...


Anyway, I'm here sa tapat ng dorm, still thinking of a photojourn subject.=)

0 comments