April 25, 2005 ~ 4:28 PM
Wala na akong masabi. Kanina pa ako nagtatype dito sa blog ko at nabura ko lahat accidentally kasi napress ko ang I forgot what I pressed. F*ck.
To make things short, nandito ako sa RP, nagpasama magshopping kila Badet and Brent kasi wala kami magawa. I bought a gift for my friend kuya Jay kasi bday nya sa wednesday (kasabay ng sister ko) and I bought some stuff for myself to satisfy my longing for shopping. Ang tagal ko na kasing hindi nakapagshopping eh, nung thursday pa yung huli.
Ayoko na magtype. Grrr..
May katabi akong alleged "pokpok/ledge dancer" ngayon, nasa PC sa left ko. Nakikipagharutan sa mga guys na malahiphop na nakajersey na oversized na jologs na ngayon lang nya nakilala (I am overhearing their conversation) at papano ko nalaman na ganun sha? Kasi nakashorty-short sya at nakared na spagstrap at ang kapal kapal ng make-up nya at eto na ang pinaka-nakakatawa sa lahat: nakita ko siya sa stand ng silverworks kanina sinukat nya yung silver na bling bling tapos biglang nagsasasayaw sa mirror, take note, nagulat pati ibang tao na dumaan kasi sumayaw siya ng pangledge dancing na sayaw sa harap ng mirror na ang mukha lang naman ang nakikita. Grabe tlga. Shocked ako. As in pang Sibil tlga ang sayaw na ginawa nya.
At eto katabi ko siya, tili siya ng tili, sigaw ng sigaw kasi nakikipagharutan siya sa mga guys na now lang nakilala. Ang lutong lutong pa magmura, wala atang pinag-aralan. I mean, cge, go ahead, speak foul words pero be discreet naman diba? Taga Malate high cguro sha at hopefully hindi siya isa sa mga hina-hire ni Patrick para sumayaw sa bar nya. (What?!?!?! It couldn't be!!! Pwede rin!)
Hayy.. Uwi na nga ako. Sakit na ng likod ko. =( Huhuhuhuh.
Eto pa! May nakipagkilala sa akin na PO2 sa WPD kanina! WAHHHHH!!! Scary!

April 23, 2005 ~ 7:24 PM
I have quoted these from Brent's blog:
10:35 pm, April 21, 2005
The World Tonight, ABS-CBN News Channel
OMG! I saw myself on TV!!! (Carmela and Bdet were there too!) Ahahaha!...
Ohum.
Well, they showed the line were I said, "Nagiging tampulan po ng tukso." Carmela was shown saying, "For hygenic purposes." And Bdet was quoted when she said, and this is the best part, "ma*BLEEP* raw po yun. Kasi may s*BLEEP*."
Ahahahaha!!!
Hay... Talk about 5 seconds of exposure(?). Well, atleast, on cable tv shown in other parts of the world. Ack! (OMG. Bdet. Hahahaha!!!)
Ohum.
Hay... at least even though we failed to see it on channel 2's INSIDER, by some stoke of luck I saw it on ANC. We futilely waited for it to be shown on TV Patrol that same day we were interviewed by Melo del Prado.
Sayang nga lang dahil naubos ang load ko at di ko maitext kila Mela at Bdet at iba pang piling tao.
Heheh.
~~~Brent I hate you for not being capable of informing us! Grrrr! Pero honestly, cute ba ako sa TV? Heheheheh!Joke!~~~~~

I am listening to Ryan Cabrera's song right now.... True...
I become really sad everytime I listen to it.
Why? Coz I remember Patrick. It's dawning upon me just now. I miss him.
And I was.. I mean, I did... fall in love with him.
=( I cannot bear this anymore. Why can't I forget the guy? I can't forget how he held my hand and how he stared at me.
I hate myself for losing him!
I am confused. Is it my fault? Or is he worth losing?
The Bulldog (Jason) is a goner. I called it quits last night. He's stupid and he treats me like I'm his fan! (Duh?) We never became an item. This time I was tough with him. Pag sinabi kong ayoko na, ayoko na.
Ang problema nga lang, wala na akong kasabay lumuwas ng manila bukas kasi wala na siya sa buhay ko. Ok lang. Cguro naman meron akong mabait na makakatabi.
I'm lonely. So lonely. Lonely lonely lonely.
My tita would say, "Naghahanap ka kasi ng gwapo eh!Yan ang mapapala mo!"
Huh? Ako ba ang nag-utos sa kanila na lumapit sa akin?
Should I start having a mentality na lahat ng gwapo, gago?
Besides, don't I have the right to desire men who are pleasurable to look at?
Yun nga lang, masasaktan ako. =(
WAHHHH! PATRICK!! I MISS YOU!!! HUHUHUHUH.... You have no idea how I do!
Wala akong katext, walang tumatawag, I have no reason to beautify myself! Simula ng nawala ka nawalan narin ako ng interest to shop for clothes! I became so "un-me!"
*sniff sniff*.... *sneeze*.... Huhuhuhuh....
Sana makayanan ko ito... Sana brent magdilang anghel ka! Sana nga may "one good day coming up" sa lovelife ko. =(

April 22, 2005 ~ 7:32 PM
Since wala pa si kuya jay, kwento muna ako.
Kagabi, galing si Jason sa dorm. Bilib din naman ako sa tibay ng taong yun. Matapos ko sigaw-sigawan sa fone, nagpakita parin. Di ko rin naman natiis at binaba ko rin kasi hindi naman ako bastos at nagpunta naman siya ng maayos. Pareho pa kaming nakapula.
Teka teka... Baka may nakakabasa na friends ng ex ko sa blog ko, kaya I must be clear. Tawagin na lamang natin si Jason na new boylet ko sa pangalang "Bulldog".
So yun, usap usap. Nahuhuli-huli ko na na maraming chikadoras etong feeling na bulldog na ito. Palibhasa gwapo. Pero wala naman na akong pakialam sa kanya. Hindi siya pangseryosohan at kung may gf man siya tlga at nagsisinungaling lang siya sa akin, wala na ako paki dun. The fact lang na hinahabol habol nya ako is nakakahaba ng hair, perp that's the end of it. I never liked basketball naman.
Alam ko namang ginagago lang ako ng bulldog na yun. Haller? Varsity ka tapos gwapo ka, at maganda din ang height and body (wag mo lang iquequestion and answer portion ha... pangitiin mo nalang sa isang tabi...kaw din, disappointed ka).. imposibleng wala kang chics.
Mas ok pa si Patrick.
Anyway, kuya jay is here. gotta go.=)

So I'm back to zero.
Zero.
To make things short, nag-explain naman si Jason kung bakit hindi siya nagparamdam. Kesyo basketball practice whatever. Duh? Kelangan pa bang ipukpok sa ulo nya na kahit lumuha ng dugo ang NU Bulldogs hindi sila mananalo kahit kelan?
Ayoko na. Ayoko na magkaboylets. Nadedepress lang ako at hindi sila nakakatulong. The question is, makayanan ko kaya na walang boylet?
Given na na "attractive" ako or something like that. Wala namang naitutulong sa akin. "Jerk Magnet" nga ako like what one of my blouses say.
Hindi ko napanood yung interview sa amin sa Insider. Sayang. Pero buti rin hindi kayo nanood kasi about sa circumcision. Heheheh. Baliw kasi si Melo del Prado eh, yung ABS CBN Reporter. Bigla kaming inambush sa WPD Press Corps. =)
Antay ko pa si Kuya Jay. Kuya, kuya, asan ka na? Ang tagal tagal tagal mo naman... Gusto ko na magkwento at mag-emote to the max. I need someone to confide in and give me advices. Ikaw lang kasi ang kilala kong guy friend bukod kay Brent na hindi bantay-salakay... (Gets, nyo?) Heheheheh.
Miss you guys, (RIX, RIA, MITCH...) at lahat ng mga nakacodename na people. Thanks.=)

April 20, 2005 ~ 2:47 PM
I woke up sneezing and sniffing. I keep on blowing my nose the whole day. I got a very bad cold. And I feel like I was dumped.
I rejected two suitors. The other one is Kenneth and the other one I am not allowed to name. Jason was the only person I got left. And all of a sudden, BLAM. He did not text the whole day. I even tried calling him but he never answered. I felt like I was dumped, even though he wasn't even my boyfriend and we weren't even in the courtship stage. I just hate men who are like that. When they decide to forget you, if they find another girl who is better than you, they'd just go without saying a word or two. Although I admit I've been pissing him off.
It's his loss not mine.
Arrggghh. I can't bear my illness anymore, I must go home and rest...

April 19, 2005 ~ 6:15 AM
There's an alleged "Transport Strike" here in Manila but I still do not feel like going home.
I'm still thinking about Jason. Last night, we've been sending each other sweet messages. Now, I wonder: Is this really what I want?
I think I'm just messing up his head and mine. I couldn't possibly be this sweet to a guy whom I just met. I couldn't even remember his face anymore.
What's wrong with me?
Why am I being sweet to someone I do not even know that much? Para pagtakpan ang mga hinanakit ko sa past relationship ko and be satisfied with the feeling na sa wakas may boylet nanaman ako?
I feel really bad about myself.

April 16, 2005 ~ 8:00 PM
I woke up just to find out na may tubig pa sa tanke namin sa dorm so naligo na ako kagad and nagtoothbrush. I did not know na matutuloy pala ang press conference sa Gerry's Grill. Pagdating namin sa OJT, Mam Mia informed us that tuloy nga ng about 12:30 and dun na kami kakain (for free of course!) We did not know na si Councilor Trisha Bonoan-David pala ang magpapapresscon.
Pagdating sa Gerry's Grill, marami nang reporters dun from different publications. Dumating si Councilor and I was star-struck! She's a very down-to-earth politician and she was sitting right next to me... Gosh. I was very careful (pati si Badet) not to commit a social crime. Heheheh. Namigay din siya ng calling cards sa amin nila Badet and Brent para daw kung meron kaming kelangan. Heheheh.
Then she suddenly turned to me and said,
"Akala ko kanina ikaw si Chichi."
"Chichi po?"
"Si Chichi, yung anak ni Mayor!" (She was referring to Mayor Lito Atienza) Then she giggled an authoritative giggle.
Then she went on:
"Alam mo, sabi ko kay Chichi, mukha siyang Dyosa."
(Is it logical to imply that she thinks I look like a goddess too?)
I smiled at her.
"Lamo Iha pwede ka maging broadcaster." She whispered.
I was flattered. I think I blushed.
I turned to Badet who was sitting on my left. I said, "Badet kamukha ko daw yung anak ni Mayor Lito?"
"Ay oo nga kamukha mo si Leigh!" She said and laughed.
"Huh?"
"Siguro anak ka ni Mayor Lito sa labas!" She said.
Whatever. Heheheh.
Anyway, ang galante ni Councilor magpakain. Order siya ng order. There were more or less 15 people sa press con, and kahit anong orderin nila ay pwedeng pwede. Kami nga naghalo-halo pa for dessert.
Then this reporter guy ng Tanod (GMA7's tabloid) was "hitting" on me. I thought akala ko lang but then Brent, who was seated with Mami Mia (they are seated at the other end of the table and sa malas nya katabi nya pa yung kinaiinisan nyang reported from Taliba), also observed that and passed me a note using a tissue paper.
"Wahhhh!!! They're hitting on you again!" He said.
Now, it's confirmed. Kenneth Montealegre, a 26-year-old guy who looks okay naman kaya lang he reminds me of Al... just texted me kanina.
He got my number from Mam Mia. Kinulit kulit daw nya si Mam Mia para ibigay sa kanya number ko.
He said he likes me. As in eto ang pagkakasend nya.
"I LIKE YOU I LIKE YOU I LIKE YOU I LIKE YOU..." and so on and so forth.
Then he is asking me out.
Nagpipilit siyang sunduin ako sa dinner party na pupuntahan namin ng parents ko bukas. Syempre hindi pwede noh! Ok lang siya?!
Then he said sa Monday daw after nya mag-gym, mga 7, Figaro daw kami sa Baywalk, he's pick me up daw sa Dorm.. Hmnnn. I'm still thinking about it. First, ewan ko kung it's ethical for a reporter to date a trainee, 2nd, balita ko aaligid aligid parin sa buhay nya ang gf nya (dati daw?!), and 3rd, I do not know if I could trust him.
Pero siguro naman, Oo. Wag nga lang akong papabola according to Mam Mia. Chicboy din kasi itong Kenneth na ito. Sabi ni Mam, maging friendly lang daw ako.
Anyway, kakatext lang nitong si Kenneth just now. Tinatanong nya if he has a chance daw sakin. I replied,
"HUH? Wala ka pa ngang pinapatunayan sa akin nagtatanong ka na? Ang bilis mo naman ata?!"
"Hindi kasi ako sanay manligaw eh.."
"Well with me, you have to learn."
"I know maraming competition... Baka imposibleng may chance ako.."
Grabe ha? Sigurista pala ang lalaking yon.
Pero hindi lang siya ang lalaki as buhay ko ngayon. At hindi doon sa pagkakakilala ko kay Kenneth matatapos ang story.
Sumakay ako ng bus pauwi sa gapo last night. I caught the 6 pm trip. Seat # 20 ako and I was with my Tita Annie nun kasi nagpahatid ako sa Station. Naiiyak na nga si Tita, kasi matagal-tagal kaming hindi magkikita. Uuwi kasi si Tito galing ibang bansa so she has to spend more time with him. Pagsakay sa bus, we were looking for seat # 20. And guess who was seated at #19? The cute guy I caught looking at me sa pila palang. Nagulat ako bigla siyang nawala, yun pala sumakay na siya. And super conincidence kasi magkatabi kami, binigyan nalang siya kagad nung mga babae sa cashier ng seat # instructing him to just ride the bus at mamaya na magbayad para sure na makakasakay siya (crush ata siya nung mga yun).
Nakita niyang naiiyak iyak kami ni Tita. Nginitian nga siya ni Tita, kulang nalang sabihin ni Tita na kausapin nya ako para hindi ako malungkot sa byahe. Nung bumaba na si Tita, bigla ako kinausap nung guy...
"Ate, malungkot ka parin ba?"
I said, "Huh? Ah.. um, hindi.."
"Ang cute nyo Ate ha? Narinig ko magkikita rin naman pala kayo sa Sunday pero nag-iiyakan kayo..."
"Teka, bakit mo ba ako tinatawag na Ate? Ilang taon ka na ba?"
"20 na po. Ikaw Ate?"
"Nye! Mas matanda ka pa sa akin eh! I'm 19 lang." I smiled at him.
"Anong name mo?"
"Carmela. Ikaw?"
"Jason."
"Huh? Anong name mo? Jason?" I was shocked. I believe I became wide-eyed.
"Jason. Jason Sanggalang."
Wow. Another Jason. Wala daw siyang ibang name kundi Jason. But I could call him Jay if I want.
I learned na Basketball Varsity siya ng N.U. As in UAAP player siya. O diba, ang taray ng lolah nyo?=) hehehehe.
Well, considering his body built... yeah... he is.. VERY ok.=P I admit, I made glimpses of his biceps and his chest while he was asleep sa tabi ko. Yuck tlga ako noh?! Bakit ba simula nung nakilala ko ang Patrick na yun naging very particular na ako sa chest and biceps and abs?!?!
And my Tita likes him. According to my Tita, he's very cute daw. Sabi ng Tita ko nung tinawagan nya ako last night,
"Grabe ka ha?! Kabababa ko lang may boylet ka na!"
"Tita ikaw ata ang jinx sa akin kaya hindi ako magkaboyfriend eh!"
We laughed.
So ayun, nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Jason sa bus. Half of the way he slept, mukhang pagod na pagod sa basketball, sabi kasi nya may laban sila sa FEU prior to that. Pointguard pala siya.
Nagkwento na siya about lovelife nya and stuff. He seemed like a very interesting person.
Nagkayayaan na nga kami na magsimba sa St. Jude eh, heheheheh. Parehas kasi kaming desperado kaya we need the help of the Patron Saint of those who are in despair. Heheheheh.
Pero dun lang yun. I doubt kung magtatagal ang friendship namin. Sa dami rami ba naman ng nakikita nyang girls, considering na Varsity siya, maalala nya pa kaya ako.
He never stopped telling me how happy he was that we met. How lucky he was that he was seated beside me. And stuffs like that.
Nakakahaba ng hair tlga. Feeling ko nga hanggang paa na ang hair ko. But I know na hanggang dun lang yun.
Grabe ang friday ko noh?
Actually, grabe ang buhay ko. Pangtelenobela.
Galing akong dentist ko ngayon, si Dra. Esguerra. And guess what she told me.
"Do you know any Jason Soberon?"
"Um, opo, bakit po?"
"Patient ko kasi ang friend nun, minsan sinama nya si Jason dito. Nagtanong ako dun sa patient ko kung may girlfriend na si Jason, ang gwapo kasi ng batang iyon eh, no? Tapos ang sinabi sa akin may mahal daw si Jason na anak ng abogado pero wag nalang daw. Wala namang anak na maganda at kasing edad ni Jason yung mga abogado dito bukod sa Daddy mo kaya naisip ko baka ikaw."
"Ganun po ba? Um. Ex ko po siya.."
"Sabi na nga ba eh! Pwede na ako manghula ha!" She said while laughing.
"Talaga po sinabi yun ng kaibigan nya?"
"Oo.. Bakit wala na kayo? Sayang, bagay na bagay kayo."
"Naku po, may girlfriend na po siya. Hindi na po pwede."
"Ah oo, lagi ko sila nakikitang magkasama sa Sibil. Grabe kung kaglingkisan ha!?" She laughed. "Alam mo, walang sinabi sa iyo yung girl. Akala ko nga nung una ledge dancer lang doon eh! Girlfriend nya pala!" She laughed again. "Iniisip ko nga kung san nya lang napulot yun eh! Taga AMA lang din ba yun dito?"
"Ah, CEU graduate po yun." I smiled
"WHAT TALAGA?" She laughed. "Kung kumapit kay Jason akala mo iiwanan eh!" Hindi sila bagay, kapayat-payat nung girl at kung manamit akala mo ledge dancer. Pag sinasamahan ko kasi yung kapatid ko sa Sibil nakikita ko sila palagi." She laughed again.
Ang dami kong napulot na chika from her, courtesy of Jason's friend na patient nya.
Dapat daw ipapadala si Jason sa States nung February, ipagkakasundo ng mom nya sa isang mayamang taga dun. As in dapat daw ikakasal na si Jason.
HAHAHAHAH! Mukha talagang pera nanay nun. Nakakatawa naman, gulat ako dun sa chika na yun.
Anyway, marami pang kwento at maiinit na chika, sa susunod nalang mga friends. Kelangan ko na kasi bumalik sa Dentist ko eh.=)
Kulit ni Kenneth! Text ng text!
Love you guys! See you tomorrow!
P.S. Hindi masarap ang food sa Subic International Hotel kaya kung may plans kayo na doon magcheck in for the summer, wag nalang. Nagpablow out si Daddy last night, dun kami nagdinner and nagfamily KTV pagkatapos. Grabe. The worst. Walang wala kumpara sa Edsa Shang. Lumang luma na yung pangplay nila ng songs, I dunno how you call it, tapos, walang lasa ang food.

April 14, 2005 ~ 2:54 PM
Hindi nyo alam kung gaano nyo ako napapasaya sa mga comments na nakikita ko whenever I visit my blog... I feel so loved! Thanks guys! You're the greatest!
I'm here to answer your comments.
To "A Friend", thanks for saying that I did great.. Actually, I was depressed last night, thinking if I'll regret my decision for the rest of my life. Nasa T.G.I.Friday's kasi ako last night eating dinner nung may dumaang kahawig ng car ni Patrick kasi nasa Malate area ako. And I suddenly felt sad. Thanks for telling me I made the right decision. Pinag-isipan ko kasi yun ng mabuti.
Kuya Jay, thanks also for being there.=)
To "Curious", I don't know whether I would be offended or I would find it funny nung sinabi mo na may similarity ako sa gf ng ex ko. It means kasi na humanap ang ex ko ng kamukha ko coz he wasn't over me. But sadly, he found someone lesser. Nag-iisa lang ako. I admit naman, I was the one who dumped him, but I regretted my decision sa bandang huli, which is wrong coz he deserved to be dumped (as they say). Kaya nga ingat na ingat na ako sa pagdedecide.. dati padalos-dalos ako...
At least maipagmamalaki ko na hindi kamukha ni Patrick ang ex ko, I was never looking for a Jayson the Second. For of all the guys I have dated, Patrick is probably the most good-looking. Yet, siya ang pinakabratty and jerky.
At least it was a good experience. It't not everyday I meet people like him na akala mo sa movies lang may ganong tipo ng tao.
Graduation na ng Kuya Marco ko sa 22, Lyceum Law. I'm so proud of him.=) Alam ko na mahirap ang course na yun. I'm not sure if he is gonna take the bar this September or magdodouble review siya. At least now, hindi na ako maprepressure sa Dad ko na until now pinipilit parin ako magtake ng law. Sabi nya nga, if I graduate na cum laude magtake daw ako.. pero iba tlga ang pangarap ko. Matapang nga ako, but sa ibang way. Like, ok lang sa akin na ikulong mo ako kasama ng mga preso sa bilibid para maging isang participant-observer journalist. Or ipadala ako sa Iraq. Ganung klaseng tapang ang meron ako, not the type of tapang na makikipagbirahan ako sa korte. Although kung kailangan ko tlga makipag-away, nakikipag-away ako. Heheheh.
Special thanks to Mr. Noel Alamar of DZMM Radyo Patrol. Nilibre nya kami ng lunch nila Badet and Brent. Big time siya, I admire him. He owns a Hummer which is worth P6M to be exact. And still very down to earth. Para ngang gusto nya ako ireto sa anak nyang Pre-Med sa Ateneo. Pinakita nya pa nga sa akin ang pic. Gwaping naman, cguro yun ang itsura nya when he was younger. Kaya lang, Atenista. Mahirap na. Hindi ko gusto ang mga conio.
Anyway, Bingot looks bobotic? Heheheh, natawa ako dun ha?=)
Hindi pa proven na boba siya eh, pero one thing for sure is wala siyang ibang ginawa kundi purihin ang sarili nya and mag-ilusyong siya ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo just because she is my ex's gf.(Wowee what an accomplishment, congrats!)Kaya to "Curious", nice observation!=) Basta hindi ko siya kamukha, hindi ako makakapayag.
Matangos naman ang ilong ko ha... Huhuhuhuh.. Maganda naman mata ko... Maganda ngipin ko... WAHHHHHH!!!!! Bawiin mo yun ha? Huhuhuhuh...
Hanggang dito nalang, walang tubig sa buong Sampaloc... water ng deep well ang gagamitin ko panligo bukas... hindi ko kaya ito! Uuwi na ako ng gapo bukas...
See ya guys around, love you so much.

First of all, I'd like to acknowledge Rix's presence in my tagboard. I miss you too girl, and thanks for complimenting my blog.=)
Mitch dear, I'm ok naman, miss you!=)
Kuya Jay thanks for always visiting my blog.=) I need to see you this weekend in order for me to ponder on what kind of gift I should give you.=)
To Curious and Curious din, hindi ko naman siya kaaway, irita lang ako kasi feeling siya... more clues? Give away na nga yung clues ko eh.. uulitin ko ha
http://www.(dalawa ang code name ko sa kanya, the 2nd one.. nasa last post ko).(anong gagawin mo sa equation na 2 times 4?).com
ayan ha? baka makasuhan na ako ng libel nito... huhuh...
I'm here in dream cafe sa UN outside WPD, we had just written 3 newstories... Well, my name is published na sa 2 articles na ginawa namin for People's Tonight, I hope you bought the issue for today (April 13) sige na, 7 pesos lang naman, heheh.=)
Mamaya, my tita and my cuz are gonna treat me for dinner sa RP kasi dean's list ako. WOW double celebration na ito... Anyway, cge na nga, I know you wanna know how yesterday became the worst day of my life---as of now.
I woke up... Iniisip si Patrick (I admit) coz he called the night before, waking me up in the middle of my somber and I was trying to figure out if I did talk to him or it was all a dream. I couldn't remember how our conversation went... Pati sa pagligo ko iniisip ko yun.
Basta. Nasugatan ko ang sarili ko sa legs ng super mahaba.. the cut was deep. And until now it bleeds a little.
Tapos naputol ko konti yung eyebrow ko sa left side. Buti nalang humaba na siya kaagad. Heheheh.
Then I bought an issue of PT yesterday just to find out that my name was not included. Asar coz pinagbintangan ako ng Dad ko na hindi pumasok sa OJT kasi Brent and Badet's names are there. Astig.
Then yung soap na nakita ko sa house namin sa Olongapo (it was my mom's) dinala ko sa Manila thinking it really is what it says it is (Beauty Bar). Heheheh. Baka kasi effective. Ginamit ko kagabi, I washed my mouth with it kasi kakakain ko lang. Buti pala hindi sa buong face coz I instantly acquired rashes as in BIG RED RASHES that luckily wala na ngayon sa face ko, marks nalang. Nalaman ko na rejuvinating soap pala yun (pampabata and pampabanat ng mukha para sa mga matatandang loose na ang skin sa face). It was not a funny experience kasi banat na banat yung baba ko hanggang lower part ng cheeks. I could not smile or laugh kasi ang hapdi hapdi! Baka mapunit yung cheeks ko! Grabe! Kesa HAHAHAH ang tawa ko naging HUH-HUH-HUH... imaging me trying to laugh with my lips partly open... grabe. grabe.
Then Patrick called.
Para sabihin na tatawag siya uli bukas.
I've had it with him. I said:
"Lamo? You are insensitive."
"Insensitive ako? Pano?" He laughed that crazy irritating laugh of his whenever he wants to mock me.
"Naaalala mo lang ako kung kelan mo gusto."
"Hindi no." He laughs again.
"Ano ba ako sa iyo Patrick? Ano ba talaga kelangan mo sa akin?"
"Friend kita." He laughs again.
"Hindi kita friend. Inconsiderate ka. You're selfish. Sarili mo lang iniisip mo. Pag ako isang tawag mo lang, pag gusto mo ako makita o makausap, kahit ayoko makita ka, binababa parin kita dito sa dorm. Pag ako, gusto kita makita, gusto kita makausap, anong gagawin ko? Wala diba?"
"Eh di sabihin mo lang." He laughs again.
God I am so irritated. He was definitely not taking me seriously.
"Wala ako panahong makipaglokohan sa iyo. Mahaba ang pila, Pat di kita kelangan. Wag ka na tatawag sa akin kahit kelan kung ayaw mo makatikim ng hindi magandang salita. Manhid ka. I pity you. Hindi ako spare tire, Patrick. Nagkakamali ka ng babaeng ginaganyan."
"Mainit ata ulo mo ngayon. I'll call some other time." He was serious now.
"No. I don't want to hear or see you again."
I hang up. That's it. That's the end of it. And I am sure it will be the start of something new for me.
I guess dito nalang muna.. Leave your comments, huh? Love ya guys, god bless.

April 12, 2005 ~ 2:22 PM
Ok, don't scold me.
I went again to HER site (a.k.a. Bingot Phratz)
I'm sorry, forgive me. I just needed to have a laugh after a hard day's work. Sabi ba naman nya sa captions ng pic nya, "do not hate me coz you ain't me". HAHAHAH!
That's funny! She is so0o0o unbelievably vain! Ano kayang nagustuhan sa kanya ni TOOT? Attitude-wise I doubt it. Kung alam mong maganda ka, wag mo na sabihing "I'm so pretty, yah I know."
Or for example, wag mo na sabihing, "Envy me coz I am so pretty."
Kasi para kang cheap na nagfefeeling diba? Lalo na kung wala ka naman tlgang K. Ayoko iadvertise ang website nya dito sa blog ko kasi baka may mang-ambush sa kanya sa sobrang kafeelingan nya.
Clue: http://www.(2nd codename).(anong operation ang gagamitin sa 3x3 and 2x6?).com
Guess bakit yun ang name ng site nya! Kasi ang pangalan ng teen star na nasa G-mik dati na pinagkuhanan nya ng name ay ka-name nya, getss?!?!?!? HAHAHAHAH!
Anyway...
Walang masyadong news ngayon... We wrote 2 stories then out na kami sa OJT. We're in dream cafe now, opening accounts. Haven't heard from Patrick since Thursday. It's better that way coz mas gusto kong magkwentuhan kami in person than sa cellphone lang. I'd rather see him than hear him. Sometimes I just wanna stare at him...
I don't know if we're gonna meet today. Pasulpot sulpot naman kasi ang guy na yun. He's a walking surprise and I'd rather have him that way.
I don't know what to consider him. We constantly hold hands when I see him, but that's all there is to it.
Last Friday, my family went to San Go Syo, a Hawaiian/Japanese restau in Subic with a family KTV. I sang my heart out. It was my form of relaxation kasi. And celebration namin yun for my being a dean's lister. Sarap ng food.. the best.=)
Then Saturday, I went shopping with my Tita. Kung ano-ano, clothes, undies, jewelry, basta lang masatisfy ko yung urge to buy. Ganun kasi ako... an impulse-buyer. When I see something I want, I have to get it or else I'd lose interest in buying it some other time.
In other words, mahirap akong maging asawa. Hahahah!=)
Para akong magkakasore eyes today. Promise!
Basta ako... happy na. Tanggap ko na munang maging lonely. Pa-date-date nalang muna ako, ayoko na muna magjump sa isang relationship na baka masaktan lang ako.
Have I mentioned that Patrick gave me a red rose on our last date? Hahahahah. Di ko alam kung matatawa ako o ano. Hindi kasi bagay sa image ni Patrick ang ganun. It's a big joke tlga. Kaya nga naiilang ako hawakan yung rose..
Pero I'll tell you a secret.
Deep inside, a thought crosses my mind.
No guy has ever given me a RED rose.
The first time I received flowers was when I was in grade VI. Valentine's Party and lumaban ako for Miss Valentines. 1st runner up lang ako and nakuha ko ang napakacorny na title: Miss Romance. HAHAHAHAH! Natatawa ako pag nakikita ko yung pictures ko nun. Mint green pa ang gown ko.
Yng mga nagkakacrush sa akin nun puro red roses ang binigay. Fake nga lang. So hindi counted yun.
2nd time, with my ex-bf Angel. He never gave me a red rose. Puro blue roses ng Holland Tulips and Aussie Mumps lang.
3rd time I received flowers, with Jayson. Puro white naman. Pati yung nasalo kong bouquet puro white ang roses (courtesy of his mom na may ari ng wedding shop). Sabi nga ng mom nya noon, kung alam lang daw nilang ako lang din ang makakakuha nung ginawa nilamg bouquet para sa bride, dapat diretsa na palang binigay sa akin. Long story wag nang ungkatin pa and DTPO (Date Time Place and Occurrence, a Journalism term) and facts ng story.=)
Pati daddy ko pag binibigyan ako ng flowers sa Valentines, puro white, peach or pink. Syempre yung si mama ang binibgyan nya ng red. Ang sweet ng dad ko no?=)
So yun, that's my secret. Heheheheh.
Kaya yun. Cguro, kung Patrick was officially a man who's applying to be my boyfriend, baka kinilig pa ako. Sayang...
We gotta go... =) Just leave your comments pag may comments kayo.
God bless sa inyo, love you guys.

April 09, 2005 ~ 1:43 PM
I slept at my brother's pad last night... I couldn't sleep well, hindi kasi ako sanay matulog sa ibang house (it was my first time to stay there over night kasi may dinner) kaya eto I feel sick... para akong nahihilong ewan.
Tapos na ang OJT. I guess I'll go home na... Uwi pa ako ng Olongapo later with my Bro and Sis kasi family dinner later... blow out ni Dad sa akin for being a dean's lister again...
Too tired...Need sleep...

April 08, 2005 ~ 11:21 AM
You guys must really be hoping to see a PART II about Patrick and I. =)
Cge, I'll feed you na sa mga chika... ako rin, excited na magshare sa inyo..
Well Patrick called me up last Monday. Guess what. Nagpapasama sa lamay ng mother ng club MC nyang si Emil. I declined of course! Matapos siyang hindi magparamdam ng isang linggo feeling nya ba sasama ako sa kanya ng ganun lang?
Sabi ko,
"Ano ka ba Patrick? Naaalala mo lang ako pag wala kang kasama eh. Sorry pero mas gusto ko pa manood ng The Pacifier kasama ng brother ko kesa lamukin sa patay at kumain ng butong pakwan."
"Sira phone ko last week, I swear."
"Yeah right. You think I'd buy that? Nandito kami sa SM. Kung gusto mo makipag-usap tumawag ka mamaya. Bye"
Pagkauwi ko sa dorm, about 12 am na, he called again.
"Patrick, ok ka rin noh? Ok ka talaga.Grabe." (sarcastically)
"Babawi ako sa'yo, promise!"
"Ay bahala ka."
"Pupuntahan kita now! Miss na rin kita eh. Saka super busy ako last week. Kaya nga as much as possible I spend my Mondays with you kasi yun lang ang time na closed ang bar eh."
"Wag ka nang pumunta dito dahil hindi na ako pwede lumabas."
"Tomorrow? Puntahan kita ng 9. Sama kita sa Verb."
"Ayoko pumunta ng Verb at curfew ko ng 10."
"Ok, 8 nalang ako punta. Tapos paalam ka nalang sa inyo na malalate ka ng uwi."
"Hindi pwede kasi late na ako umuwi today at ayoko. Kung gusto mo ako makita, agahan mo. Hindi ako ang mag-aadjust sa'yo."
Naputol ang line. Probabaly wala na siyang load.
So Tuesday came...
Buong araw siyang hindi nagparamdam. It was 7 p.m. and I was still in bed (trying to sleep kasi insomniac na ako and kelangan ko ng tulog) nang bigla akong kinalabog sa kwarto ni Kuya Oliver (boy namin sa dorm)
"Carmila Carmila!"
"Po?"
"May naghahanap sa'yu!"
"Huh? Sino po?"
"Lalaki! Gwapu!"
Whatthefu?!?!
Bigla akong napatalon sa taas ng double deck. Muntikan pa ako malaglag. I ran to the balcony and sinilip ko kung nagsasabi ng totoo si kuya.
Shucks. Nandun nga ang kotse ni Patrick at nakatayo siya dun nagyoyosi. Nakaporma ng todo.
Inisip kong mabuti.. "Magpapambahay lang ba ako o poporma rin?"
I asked my dorm mate Ate Jocelyn about it.
"Ate lalabas ba kami o diyan nalang sa baba?"
"Lumabas nalang kayo! Hindi ka ba nahihiyang makipag usap sa kanya na lahat ng tao makikinig?"
"Anong susuotin ko? Mukha akong bagong gising!"
"Dali pumorma ka din!"
Well pumorma nga ako ng todo din... I couldn't describe my outfit. Basta mukha tlga akong makikipagdate. It took me an hour sa pag-aayos. 8 na ako bumaba ng dorm.
My dormmates said "wow" sa itsura ko nun. Ewan ko ba.. Pressured akong magpaganda kapag alam kong si Patrick ang kasama ko.
To make the whole story short (coz ang dami naming napag-usapan ni Patrick, magquo-quote nalang ako ng excerpts sa mga pinag-usapan namin)
Well Patrick told me how beautiful I was that night. (Ang gwapo din nya nun in fairnes..)
We went to Brother's Mustache in Malate, it's an acoustic bar.. Ayun, nagkwentuhan, kumain.. Funny how comfortable I felt while conversing with Patrick.
May mga batang nagtitinda ng roses na lumapit kay Patrick nun. Sabi ng isang cute na bata na Amerasian na sadly, nagstop sa pag-aaral dahil pinagtinda na lamang ng roses ng kanyang ina..
"Kuya Patrick!" (Sabay kapit and hug kay Patrick)
Then to me, she said, "Daddy ko 'to eh!"
I smiled at her and Patrick. Nakakatuwa silang tingnan.
"Kuya girlfriend mo?" She asked Patrick.
"Ano ka ba sinisira mo diskarte ko nililigawan ko pa nga lang eh!"
As if not hearing him, she said "Kuya ang ganda ganda ng girlfriend mo dito mo lang dinadala! Dapat dun oh!" (Pointing to a restau across the street na ala candle light dinner ang dating)
I laughed syempre. Heheheh.
Sweet na sweet si Patrick and yung bata. Naisip ko, mabait naman pala si Patrick.. Iba sa iniisip ko sa kanya. I suddenly wondered kung ok siyang maging daddy sa future... Ehem. Ok. Ayan. Back to the story.
Eto ang mga lines na gustong gusto ko sa usapan namin:
"Ano ba ang hinahanap mo sa isang girl?"
"Yung ganyan sa'yo."
"Like?"
"May future. Lumaki ako na walang gumagabay sa akin. Gusto ko ng babae na kaya akong gabayan.."
"That's all?"
"Hindi ka exposed. Look at you. Iba ka. Unlike yung mga girls dito sa night life."
"Alam mo, aaminin ko, noon, naiinggit ako sa mga laging gumigimik. Feeling ko exciting ang buhay nila. Until now, sa gimikan, I do not feel like I belong."
"It's the same reason why I like you."
"That I do not belong?"
"Oo. Hindi ikaw ang tipo ng babae na makikita sa gimikan. Nung nakita nga kita for the first time, I immediately knew na you're different. That's why you caught me. Dean's lister ka ngayon. You're pretty. Probabaly, cum laude ka when you graduate. Tapos magiging news anchor ka. I knew it. And pagdating mo ng 26, pakakasalan na kita."
Then he laughed. I didn't know what's so funny about it. Pero hindi nalang ako nagreact.
After a while, he said
"We live in different worlds."
"Obvious ba?"
"Opposites attract talaga."
"Am I attracted to you?"
"Hindi ka sasama sa akin if you don't like me."
Napatameme ako sa sinabi nya. Totoo naman tlga. Kung hindi ko siya gusto, bakit ako mag-aaksaya ng panahong sumama sa kanya diba?
Finally, I told him
"You look dangerous and that's what attracts me to you."
Totoo yun. I don't think I had to explain and hindi rin naman siya nagtanong kung anong ibig sabihin ko dun.
When I am with Patrick, feeling ko anything can happen. I don't even have to know what will happen next. Yung pagiging carefree nya... yung bahala na kung saan pumunta, o kumain o magkwentuhan... yung walang plano... All I have to do is trust him.. Parang ang adventurous ng dating... I haven't met anyone like him. Yung tipong, wag mong isipin ang bukas, yung ngayon lang. Yung pagdadrive nya ng super bilis na kaya nyang three minutes lang mula espanya hanggang taft.. yung feeling na mamamatay ka na pag kasama mo siya.. yung pagka-gago nya, yung alam kong mga scam about him..
feeling ko para akong moth na naaattract sa apoy and it would later on kill me.
But I am not afraid.
Patrick sees me as reserved, well-mannered, tamed, conservative, masaya kasama, masarap kausap.. and he always commented how he loves looking at my eyes.
Sabi ko, "Kaya mo lang naman ako hinabol nun kasi revealing ang top ko eh! Hahahah!"
"I couldn't even remember what you wore the first time I saw you. All I remember is yung mata mo. Eh bakit ka pumayag na bumalik sa bar ko?"
"Coz I felt secure."
To be continued...

April 05, 2005 ~ 11:53 AM
Sa View Grades Online ng www.ust.edu.ph, eto po ang tumambad sa aking mga mata, kasama ko sina Badet and Brent..
Welcome,GONZALES, KRISTINE CARMELA FERRER
APP ART APPRECIATION 3JRN1 1.5
FIL 3 RETORIKA 3JRN1 1.5
JRN 208 PRINTING AND PHOTOJOURNALISM 3JRN1 1.5
JRN 209 LAYOUT AND COPYREADING 3JRN1 2.0
LIT 104 SURVEY OF WORLD LITERATURE II 3JRN1 1.25
POL 221 DYNAMICS OF PHILIPPINE POLITICS 3JRN1 2.0
RES-MF RESEARCH IN THE MAJOR FIELD 3JRN1 1.5
SPN 2 INTERMEDIATE SPANISH 3JRN1 2.0
Ang lakas ko tlga kay Papa Lord! Napredict ng tatay ko na DL ako uli, nung una ayaw ko maniwala pero now I believe hehehe!
Ay naku Señora, akala mo mahahatak mo ang grade ko pababa sa pamamagitan ng dos mo ha! LOL!!!!
Si Patrick, nagparamdam kagabi... pero hindi kami nagkita... basta, abangan ang susunod na kabanata ng Patrick-Carmela love team (joke!!! baka maging issue nanaman ito sa tagboard..=D)
Sige later nalang!

April 03, 2005 ~ 6:33 PM
The Pope can't die.
He couldn't. This is unbelievable. He must not die.
If you guys have read about the revelation of Fatima, you'll find out why I'm getting very afraid.
The next Pope is believed to have the mark of the Beast, an anti-Christ who would make liberal changes in the Vatican and the Dogma of the Church.
The end is nearing. Oh God..
Anyway, I hate Renato whoever that unprofessional and unethical journalist scumbag from People's Tonight. He did not even gave us credit for the scoop we made. Kami ang naghirap dun, pinawisan, napagod at lahat. Isusumbong kita kay Mam Mia. Walang hiya ka. Pati ugali mo tabloidal.Ang malas namin at sa iyo kami pinagkatiwala ng trainor namin kahapon.
Anyway, I just got home from the Church. Hindi na ako nagvigil sa simbahan, kasama ng iba pang nakikisimpatya sa pagkamatay ni Pope. Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch. Hindi ako nabusog sa cup noodles na kinain ko. Kasi yung tita ko umuwi ng gapo.. wala tuloy ako kasama. Hindi ko naman kaya kumain ng mag-isa. Hindi naman sa nagfefeeling or what pero ako kasi yung tipo ng tao na laging natitingnan.. siguro dahil maputi ako. Nakakinis nga kasi nagsimba ako ng mag-isa. Ayoko tlga ng nag-iisa.
Hindi parin ako nakakarecover sa pananakot ng mga dorm mates ko sa mga kwento nilang horror stories about sa dorm. Grrr...
Uy tama na, wag nang issue si Patrick, wala yun. Walang love to begin with. Gimmick friend ko lang yun na may kilig factor minsan.=) Kung gusto nyo makalibre ng gimmick pasama lang kayo sa akin punta tayo sa Da Verb heheheh.=)
Thanks talaga sa mga concerned. Uuwi na me, 7 na ng gabi, bibili ako ng tinapay sa bakery pauwi. Tapos magcucup noodles nanaman ako weheheheh. Hirap ng ganito. Saka hindi rin ako comfortable sa damit ko. Nakagreen ako at kanina pa ako tinitingnan ng mga tao sa lahat ng lalakaran kong kanto. Mukha ba akong palaka? Ano ba? Nabwibwisit na ako. Naglalakad na nga lang ako ng nakatungo eh. Tapos binibilisan ko ang paglalakad. Kukunin ko pa ang laundry ko mamaya. Mga 9 ko nalang kukunin para wala masyadong tao sa daan.
Love you guys!

April 02, 2005 ~ 7:40 PM
Hey guys, buy an issue of people's tonight tomorrow... kami ang nagreport about the baby... nalunod siya sa timba... it was a bizarre accident coz ang daming tao when it happened (considering na sa bangketa lang nakatira yung family nya) and 1/4 lang ang laman ng timba, enough to submerge the baby's head. He fell headfirst. Feet up. Until now I couldn't erase the boy's image in my mind... Dun sa morgue... photgraphers from different publications were there.. pati nga GMA7 eh... kulang nalang idikit nila yung camera sa mukha ng baby... nakakaawa... na nakakapangilabot.. I'm so bothered.
Dapat masanay na ako. Kasi alam kong marami pa akong makikita na mas morbid and mas disturbing..
Anyway, masaya ang OJT. Welcome na welcome kami sa mga iba ibang media people. Nakikipagbiruan nga sila sa amin palagi. Pati ang mga pulis, accomodating. Hindi pala sila nakakatakot at hindi lahat walang hiya. Close ko na nga yung iba eh. May isang pulis sa homicide section na nagpapapirma ng pangalan ko kasi daw pag sumikat na ako at naging Korina Sanchez hindi ko na daw siya papansinin. Hahahahah!
Si Patrick wag nyo nang pag-talunan, mga friends... Hindi naman ako bibigay dun. Malamang tama nga si "still a friend". I can't risk myself. Babae ako, ako ang laging lugi kahit bali-baliktarin ang mundo. Saka please magpakilala naman kayo... Wag kayo mahiya sa akin... Para naman totoong maging friend ko kayo..
Nagkwentuhan kami ng mga dorm mates ko just a while ago. Tungkol sa mga multo sa dorm. Kesyo nagpapakita daw sa mga salamin ng bawat kwarto. May white lady din daw sa balkonahe at banyo. Impossible. Guni-guni lang nila yun. Kasi ako, wala ako nararamdaman. Mas grabe pa nga sa dorm ko dati sa Sta. Rosa de Lima sa P.Noval eh. Dun tlga, damang-dama ko. Kahit wala ako nakikita, nagtataasan ang balahibo ko sa katawan. Nagkaincident pa nga na ang mga balahibo ko lang sa right side ng katawan ko ang nakatayo, sa left side hindi. Sabi nila, it means katabi ko daw sa kanan yung multo.
Totoo kayang may multo sa dorm ko? Lord wag naman. Baka mamatay ako, may sakit ako sa puso eh...

April 01, 2005 ~ 9:27 PM
Nagkausap na kami ni Michelle Mendoza. The girl who said mean things to me sa comments feature. Nagkausap kami ng masinsinan sa YM and inexplain nya na iba pala ang ibig nyang sabihin sa mga post nya. She apologized naman. She is actually just concerned sa akin. Sinabi ko rin ang side ko, we understood each other. Ayos na kami.
I am so happy na meron palang mga tao na hindi ko man kilala, concerned pala sa akin.
Touched nanaman po ako... thanks ate mich. Thanks sa inyong lahat.
Ate mich told me na hindi ako dapat umaarte sa blog ko na napaka-unfortunate ko kasi I have everything in life na and yung ibang tao wala... narealize ko, tama siya...

~~~I would just like to advertise muna our articles sa People's Tonight, today, April 1. May published work kami dun nila Badet and Brent. Not so long an article but I'm proud coz I felt like a true journalist.=) 2 po ang articles namin dun, about sa nagpakamatay na dental technician and sa pending case ng D'Bodies~~~
I guess maraming concerned sa akin about sa issue kay Patrick. Thanks po sa inyo, kay friend, another friend, Jam, Brent, sa ibang nagcomment, kay Nina and kay Sherwin. Natouch po ako...
Till now, I haven't heard from Patrick. I am not interested naman in hearing anything from him, lalo na kung bar nanaman nya ang pag-uusapan.
But you know guys, napapangiti ako when I think of him. Kasi nasa right time siya palagi kapag nangangailangan ako. Kapag nagdadasal ako kay God na kelangan ko ng ganitong tao, siya ang (what a coincidence) nandun.
The September incident, the first time we met, drinop off lang kami ni Heidi ni Arthur sa Malate. Kay Arthur kasi ako nakiusap na magpadrive papuntang Greenbelt and back. Kaya lang, nasaraduhan na kami ng dorm so we have to find a place to stay. Sabi ni Arthur, bigyan nalang daw nya kami ng panghotel namin ni Heidi. Eh nahiya naman kami ni Heidi kasi baka sabihin ng mga tao na mag-on kami heheheh. Hindi naman kasi pwedeng samahan lang kami ni Arthur magstay sa isang coffee shop until 5 am (opening ng dorm) coz kelangan na nya umuwi and we understand. So naisip namin, magmalate nalang.
Sabi ko:
"God,ayoko sa Malate, magulo dito, and first time namin ni Heidi gumimik dito, sana naman give us protection para walang mangyaring masama sa amin."
Eh suot ko pa nun, ahay. (Just refer to the music magazine project namin nila Nina)
And there was him. Patrick. Biglang tayo pagbaba ko ng kotse ni Arthur. Biglang habol sa akin. I was safe in his bar, with all the bouncers surrounding us. And hinatdi nya pa kami pauwi.
2nd incident, Black Saturday night.
I just made the most foolish wish kay God.
For me to see my ex and his gf and his gangstah wannabe friends.
And for me to meet someone who could make my night memorable.
I did see my ex and his gf and his gangstah wannabe friends. Well I wished for that because I want to know how it feels after 7 months to see again the people who made my life miserable.
Well it felt great. I felt nothing for my ex, and his gf ay nakakatawa kasi biglang pumulupot sa kanya upon seeing me and his gangstah wannabe friends wore panicking looks in their eyes. Hahahahah!=)
Then Patrick saw me again. My ex and his friends thought they'd catch me lonely. I thought so too. But Patrick was there to hold my hand.
Now, sasagutin ko na po ang issue.
Patrick and I are like.. hmnn... north pole and south pole. Parehong may ice, parehong may snow. Pero nasa magkaibang mundo.
I am giving up Patrick because there is no reason for me to hold on to begin with.
I want to try, I want to risk loving him. Believe me. But I did not see any sign from him which asks me to do so. Or which prompts me to do so. Wala po.
Gusto ko siyang mahalin. Kasi alam ko na kahit nasa kanya na ang lahat, hindi siya masaya. Nakikita ko, nararamdaman ko. Kahit sinong tao, mayaman o hindi, nangangailangan ng totoong magmamalasakit.
Lahat ng tao sa gimmickan, hindi totoo. Face it. Ikaw ba ibibigay mo ang iyong totoong pangalan? Ang mga babae ba dun mapagkakatiwalaan? Ang mga lalaki ba dun hindi one-night stand lang ang alam? Isa lang cguro sa 50 tao sa gimmickan ay matino. Dun nabubuhay si Patrick eh. Sa tingin mo masisiyahan siya? Syempre hindi. Kelangan lang niya maging masaya kasi dun siya kumikita.
Gusto ko siya mahalin pero pano naman ako? Lagi ko nalang ba isasala ang sarili ko sa alam ko na masasaktan lang ako? Lagi nalang ba akong magpapakamartyr?
Ako ang talo... =(
Ako nanaman ang talo.

I am a confused girl who is trapped between the past and the present