My 2nd post for today...
May 31, 2005 ~ 7:00 PM

What a schedule. I just want to die. Nareceive ko na sa email ang magiging schedule ko sa 1st sem. Grabe.

Monday 3 to 9 pm
Tuesday 3 to 6 pm
Thursday 8 to 11 am, then 3 to 9 pm
Friday 8 to 11 am then 3 to 6 pm
Saturday 8 to 11 am

I just want to die right now.

Wednesday lang ang free day ko for the whole school week and it's not exactly a free day coz kelangan ko mag-aral for the three Thursday subjects. I feel so dead.

WAHHHHHHH!!! Wala na talaga akong time for any relationship! Even commitment!

I must kiss dating goodbye! WAHHHHHH!!!!!

0 comments




Rainy Days and Tuesdays...


Sabi sa inyo cute si Gunter eh... Heheheh. Pero uy ha, hindi ko sha boyfriend.. Well, not yet. Heheheh. Maraming factors ang kelangan ko i-consider... Wala kasi silang pinagkaiba ni Patrick eh. Parehas silang bar-owner. Parehas na mukhang playboy (o playboy nga talaga?) and lapitin ng girls. Para saan pang binasted ko si Patrick kung iaaccept ko si Gunter? Diba? =( Sad, sad life... Bakit ba puro bar-owners ang nahuhumaling sa akin? Huhuhuh...

Mitch! Heheheh, I agree with you, di na dapat pinag-aaksayahan ni Ria ng time si Patrick eh wala namang kwenta yun! Something tells me na lahat ng Patrick walang kwenta! Hahahahah! Miss you tlga mitchy... I checked your blog, it's so cool! Amazing! And the pic ha, ang taray! Sexy sexy!=)

E.R.! Now lang kita nakitang magalit talaga.. Salamat sa pagtatanggol but I think wala na yung nang-aaway sa amin ni Ria... napagod na cguro kasi wala naman sha napapala sa ginawa nya. Natakot cguro kay Ria heheheh. Kung makikita mo lang yung iba pang posts ni Ria matatakot ka talaga. =) Ingat ka lagi jan sa 'Tate ha... sana uwi ka na ng Pinas... Miss you.

Gel, I know you always drop by my blog.. I sent you a letter, through snail mail para mas personal. I hope you receive it. Miss you bes...=(

Si Don na bestfriend ko na nasa Aussie tumawag sa akin kagabi pero nung sinagot ko, parang bumaliktad, puro ring lang ang naririnig ko at sha pa ang sumagot! Heheheheh! Globe kasi ang number na gamit nya kaya akala ko nasa Pinas na sha. Yun pala nasa Aussie parin. At least nakapagkamustahan kami kahit papano... Namiss ko na ang boses nun. Yung soft at super nakakarelax na gwapong voice, heheheheh.=)

It's my dad's birthday tomorrow, he'll be turning 58 na. I couldn't believe how fast life is.. Dati, baby lang ako, and batang-bata pa dad ko. Now, matanda na ako, turning 20 soon.... and my Dad... mahina na, with wrinkles... I don't wanna think about it. Pinipilit nya nga ako mag-take ng law eh. Ayoko talaga... Sabi nya sa akin kagabi, after we had dinner sa Pacific Grill (kami lang kasi magkasama last night coz lumuwas ang rest ng family ko sa Manila):

"Take ka lang ng Law sa U.P. Sige na anak, sabi mo nung bata ka gusto mo maging katulad ko diba?"

"Dad kasi.. nagbabago ang tao eh.. gusto ko maging journalist.. si Kuya naman magiging abogado na eh. At least may nagfulfill para sa iyo diba?"

"Gusto ko walang makakapang-api sa iyo pag wala na ako.. Pagbigyan mo lang ako."

"Dad hindi ko calling eh... Saka papano kita kukunin pag nag-retire ka na kung wala pa akong ipon? Magtatrabaho na ako kagad. Kukunin na kita after 10 years... Diba promise ko sa iyo yun tayong dalawa magkasama pagtanda mo? Heheh."

But my dad didn't look very happy. I guess he really wanted me to take up Law. But I can't. Di ko talaga mafeel na yun ang gusto ko eh. Saka gusto ko pa makita ang mga anak kong lumaki pagdating ng panahon noh... Tinatamad na nga ako mag-aral tapos mag-aaral na naman ako... Hayy...


O Ria, I told you Gunter was cute... heheheh. Pero iba ito, di ko maintindihan, tumawag sha sa akin kagabi, through cell of course, di ko ma-catch ang english! Masyadong slang ito pag nag-english! Hahahah! Eto yung isang part ng usapan namin na natawa talaga ako!

"Bakit ako ang gusto mo eh para kang Amboy? Diba dapat morena ang hilig mo?"

"Huh? What are you talking about?"

"Eh kasi yung mga Amboy dito sa Olongapo puro morena na mukhang exotic ang gusto. Diba dapat ganun ka din? Bakit mestiza ang hanap mo? Heheheh."

"Excuse me, hindi ako Amerasian ha, Eurasian ako."

"Hahahahaha!"

"I eat steaks, I don't eat hamburgers!"

"Hahahahaha!"

Nakakatawa talaga itong Aleman na ito. Weird pala ang mga kadugo ni Hitler noh? Hahahahah! =)

Eto pa sabi nya:

"I want commitment coz I wanna marry by 30."

I said, "30? Eh 22 ka palang ah, 8 years pa yun naghahanda ka na?"

"Ano pala, maghanap ako when I'm 30 already? Parang pinupulot lang ang asawa ha?"

"Seryoso ka ba? Kasi wala ako balak maghintay ng 8 years if ever, gusto ko na mag-asawa after 6 years."

"Hahahahah! Masyado ka naman nagmamadali! Of course I'd like to be stable muna!"

"Eh di bahala ka, iiwan kita. Basta ako stable na after 6 years, bahala ka sa buhay mo, hahahahaha!"

"Sama ng ugali mo ha! Heheheh!"

O diba. We're talking about marriage already. As erf!=)

Hay... Bakit ba lagi akong tinatanong ng mga tao why I'm single? Wala ba akong karapatan maging single? Eh sa wala eh... Wala.. Wala.. Wala.. =( Oo na! Aaminin ko na! Takot ako sa commitment kasi takot ako masaktan! O ayan na! =( Kaya one year na, wala parin ako bf... Kaya isang taon na akong nambabasted. WAHHHHHHH!!!!

I'm just so scared... Where could my Mr. Right be? Have I found him na? Or is he yet to come? =(

0 comments




I really got a crush on this guy...
May 30, 2005 ~ 5:43 PM

No matter what they say, no matter how they react, even though hindi kami bagay, I still like this guy... He's definitely my kind of guy and I'm so0o0o looking forward to have a date with him when I get back to Manila.

Just my kind of guy...

We've been texting for quite some time now... He graduated from San Beda, Marketing Management ang course nya... The guy's really smart. He's got lots of sense in him... He's straightforward and very open.

Heheheh...

He's with his cousin Tracy on the pic. Just look at him... His nose is one of a kind. I'm so into noses because it's my weakness... 5'9, athletic built, and a bar-owner.. I couldn't believe he was so into me as well.


Me in the APO frat ball...

That's me in the APO fratball...

Friendly who are you? Mahal mo ako? Hahahahaha! Come on man, show yourself! Tell us who you are! Welcome to my world!=)

Mark, the taggy's not a chatroom, just leave your message on the taggy and I'll try to answer you right away.=)

Mitch, I miss you, thanks so much for being there.. And for reminding me na marami naman nagmamahal sa akin.=)

0 comments




My 4th post for the day..
May 27, 2005 ~ 6:21 PM

Hayy salamat! Online si Brent! Kumpleto nanaman ang happy tree friends (Ria, Brent, and I). Eto, todo sumbong kami kay Brent. Grabe. Galing lang akong parlor at nawiwindang ako sa mga pangyayari. So hindi daw si Perry ang nanggugulo sa blog ko. What else, si Deo, hindi kami bagay. Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na napaka-vain nya. Feeling nya it's all about him. In fact, feeling nya I was so0o0o into him. God. Pacute ng pa-cute. Parang ayoko tuloy pumunta ng Brew's later. Baka isipin nya, sha ang pinupuntahan ko dun. Ayoko nang kausapin sha. Mashado sha bilib sa sarili nya. Eto nga eh, nagmemessage sa akin sa YM. Laging sha, sha ng sha. Ang topic namin sha. Work nya, band nya, lifestyle nya, music nya, poems nya. Sha. Sha. Sha. I'm sick and tired of it.

0 comments




This is my 3rd post for the day..


To all my blog visitors and friends, iisang tao lang ang nanggugulo sa blog ko. Iisa lang si "a friend" at "another friend". He has a bad case of schizophrenia. As you can see, una nyang inaway si Jay na friend ko, sunod ako, sunod naman si Ria. Kahit ayokong patulan sha, I feel that I have to because this is my blog and he is filling it with dirty remarks. Tinanong sha ni Jay kung "he" ba sha, "she", or "it". And ang sinagot nya ay "it". Alam mo, kung sino ka mang nanggugulo ka, "it" ka nga. Why? Kasi hindi ka lang mukhang hayop, asal hayop ka rin. It's either you're too insecure, or nasaktan ko ang ego mo. Bakit ba ang laki ng galit mo sakin? Kahit naman magpapansin ka sa blog ko, wala namang magagawa yan eh. I couldn't care less kasi hindi sa gantong paraan mo ako masisira. You're a coward. O, baka di mo alam ang ibig sabihin nyan ha? In tagalog, duwag. Ako nalang ang awayin mo, wag na mga kaibigan ko kasi wala naman silang ginagawa sa iyo. Tingnan mo muna mukha mo bago ka manlait ha? Kawawa ka naman. Malamang kaya ganyan ang ugali mo kasi walang pumapansin sa iyo.

Ria Hazel...

This is Ria. She's charming, way way nicer, prettier and more adorable than Kamil. Kung sino ka mang gago ka, how dare you insult my friend like that? Kung fan ka ni Kamil, wag mo idamay friend ko. Kapal talaga ng mukha mo!

0 comments




My pretty sister and I...


This is my Ate Paula.. ang ganda nya no? Sha ang pinakamaputi sa amin sa family. And kahit opposite kami sa lahat ng likes and dislikes, pati sa type sa guys, love na love ko sha... =) Taken yan sa By The Sea Resort nung debut nung isang family friend namin...

pretty namin!

Then the guy here is Gunter Naugi Jensen... He's half-german, friend ko na crush naming dalawa ni Ate Paula... O diba, for once parehas naming crush ang isang guy, hehehehe.=)

Image_24

0 comments




Hahahahahah!
May 26, 2005 ~ 5:43 PM

Ria! Nabasa mo ba ang post ni "a friend"? Maganda daw si Kamil at sexy pa?!?!? Hahahahahah! That's hilarious! Hahahahah!=) Ria I'm sure meron ka masasabi about it! Hahahahahah!

Anyway, Deo went to my house at around nine... My mom was shocked. Deo wasn't exactly the kind of guy na magugustuhan ng parents. He's got a tattoo, at least 6 piercings, not so long hair, gothic-looking. But man! Was he attractive! There's something about him which draws me to him... I'm not sure if it's his eyes or smile, or lips.. God, what was I thinking!? Agghhh..

Super nataranta ako. I simply didn't know what to do. The first thing which crossed my mind was this...

"Is this guy really so into me? Ang lakas ng loob nya ha?!"

So yun, nagkwentuhan kami... Kinuha ko sha ng food saka juice.. Tapos pinakita ko sa kanya yung music magazine na project namin sa school last year. He was amazed. =)

He started looking at me. Grabe, his eyes were so... so... ugghhh! His stare was so meaningful I thought he was going to kiss me! Hahahahah! Eh tumabi pa sha sa tabi ko. Pero nung tagal tagal, nung comfortable na ako sa kanya, naisip ko na, hindi pala, mataas ang respeto nya sa akin, he's not gonna do something as stupid as that. Mukha lang talaga shang manghahalik! Hahahahah!

He just kept... staring at me... staring and staring... I wonder, "What's wrong with him? May dumi ba ako sa mukha?"

Hanggang sa yun, my mom called me and told me na he has to go na kasi 10:30 na. So I told him na gabi na kaya he has to go home. When he stood up, I was able to look at his whole body.. Ok naman pala, hindi payat, tama lang... His clothes were all black. Heheheh.

He called me up kaninang morning. Then said something which really flattered me.

"Your smile kasi eh.. I just can't.. take the image of your smile off my head."

He was asking me to come with him sa rehearsals nila for tonight's gig nila sa Brew's but I declined. Sabi ko "Anu ka ba, bukas naman pupunta kami ni Doc sa Brew's eh, makikita mo rin ako. Heheh."

Well he was really pleading. Pero I declined talaga. Pangit naman kung nagkikita kami araw-araw. Hindi ko naman sha boyfriend eh.

I'm currently chatting with my childhood crush Ian. Nasa Texas sha now. He said he'd be coming home dito sa Pinas early next year. He asked me if I'd like to join him pag pumunta sha sa Puerto Galera pag-uwi nya. Gosh... I wonder how it feels to spend 3 days with an undeniably attractive man in a far place... =) Heheheh, just the thought of it kinikilig na ako! I can't wait! Sana lang wala pa akong boyfriend by that time, kasi hindi ako sasama kung meron na. I trust Ian naman eh, kinakapatid sha ng Ate Paula ko and family friend namin sha. He said ipapaalam nya ako sa parents ko. Yun nga lang ewan ko kung papayagan ako. Bahala na! By this time next year I'll be on my own naman na... working. Grabe, I just love adventure. =P Life just doesn't get any better than this. =P Kaya lang matagal pa yun. Marami pa ako dapat isipin. Like how to deal with rejected guys na nanggugulo sa blog ko (right Kuya Jay? Apir!). Heheheh.


Hey Jam! What's up with ya?! =)

=)

0 comments




Deo Deo Deo....
May 25, 2005 ~ 5:54 PM

Remember the guy I told you guys? Well... he called me kanina... Figures that hiningi nya ang landline ko kay Doc.. Doc said he probably is very interested in me. "Nacaptivate" ko daw kasi ng smile ko.. In other words, nabighani. I am so tensed right now. Deo said dadalaw daw sha sa house. I said cge, bahala sha if he wants to pero I warned him na hindi "cool" ang tatay ko sa mga guys na dumadalaw sa akin sa house... I'm just afraid that once my parents see Deo, they'd go nuts about my whereabouts kapag lalabas ako. They'd probably think na boyfriend ko na si Deo or something.. I am so tensed and nervous. After all, it's been quite a while since may huling nagpunta sa akin sa house. Si Jayson na ang huling lalaki na nagpunta dun na panliligaw ang pakay, and that's like April last year pa. What shall I do?


Hay... I slept at around 3:30 am kasi kausap ko si Ria. Nakita ko si Deo kagabi sa Brew's Bistro, and it's all my fault kung nagustuhan nya ako coz I flashed him a smile in a way na parang hindi na ako ngingiti sa buong buhay ko.. Then we had a little chitchat sa may CR... Cguro dun na nagsimula ang pagka-like nya sa akin. But that's all there is to it. Nothing else. Di kami bagay.. Music is his passion, mine is writing. Kaagaw ko ang drums sa kanya, ang banda nya, lahat. Mahihirapan ako sa kanya. But I'd really like to be his friend. I felt like I need one. Especially in this place... in Olongapo. I'd really need his company. Marami kasi ako memories sa lugar na ito na kelangan kalimutan and I feel like sha ang makakatulong sa akin. Anyway, pagbalik ko naman ng Manila, I doubt if we'll ever see each other again.

Wish me luck sa pagdalaw sa akin ni Deo later. I hope my parents don't interrogate him na parang kini-cross examine.

Anyway to Ria, actually, ang baba ni kamil ang great wall of china. Heheheh. Salamat sa pagpuno sa aking taggy. May nakuha akong pic nga pala ni Deo pero hindi sha cute dun, ang posing nya as if he's picking his nose, hahahaha! Kaya ako nalang ang magpipicture sa kanya. Heheheh.

0 comments




People R People...


Ok, my friend Don called me up kaninang umaga complaining because sa kanya ko inattribute yung code name na "a friend". So I'll just clarify for his sake na hindi sha ang nagcomment na mukhang bakla si KC at bantay-salakay si Kuya Jay.

Actually, kilala ko na kung sino ang impostor na gumagamit ng name na "a friend", na sana iba nalang ang code name na ginamit nya coz mahuhulaan ko parin sha sa words na ginagamit nya kahit na manggaya pa sha ng code name ng iba. I know who you are, and I'm sorry to tell you na Kuya Jay is just my Kuya Jay and nothing else. Oo nga naman, kelangan pa ba nya maging "bantay-salakay"? Hindi duwag si Kuya Jay at may love shang iba.=) Sorry Kuya Jay kung nadadamay ka, basta kilala ko na si "a friend" #2.

Ria!!! Talaga naka-sun ka palagi? Ok Ok, teka baka tulog ka na kapag tinawagan kita kasi may lakad ako mamaya... mga 12 na ako makakauwi... hahanapin ko si Deo eh, weheheh..=) Teka Ria, approve ako sa iyo! Alam mo ba nung gumimick ako nung friday eh na-wow mali ako ng Danly na yan! Kasi nga nasa Brew's Bistro nga kami, yung Acoustic Bar dito nung dentist ko tapos walang cutie dun (as if naman maraming cutie sa olongapo...) biglang nakita ko may nakatalikod na guy na nakared na promise matipuno ang katawan! Then sabi ko sa dentist ko, "Doc, ang gwapo, tangos ng ilong tapos may dimples...Sana humarap kasi nakasideview.." Sabi ng Dentist ko, "Wow mali ka! Si Danly yan!" (Patient nya kasi si Danly kaya kilala nya)

Di ako makapaniwala! Si Danly, as in Doy na bessy bessy ni Jasyon my ex? Eh ang pangit nun dati, mukhang tukmol... Considering na hayag na hayag na orgy boy yang si Danly! Ria, sha ang tinutukoy ko na nakipag-orgy daw sa car nya with high school girls! Sha! In fairness, gwapo na nga ngayon... Heheheh. O diba, tama ba namang pagnasaan? Kaya lang gago yan, maraming kalokohan, turn-off parin. Heheheheh!=)

Pero eto ang nakakaloka! Guess why pinagnanasaan ko sha! Kasi kamukha nya si Patrick! Promise Ria, yang yan ang mukha ni Patrick na hanggang ngayon ay pinapanga-pangarap ko parin! Yun nga lang, mas maputi si Patrick, mas macho at mas matangkad. Lesser Patrick sha... Hayy... musta na kaya ang Patrick na yun? Napanaginipan ko kasi sha nung isang araw eh...

Right now, may mga makukulit na bata na nasa tabi ko and naiinis na ako kasi sinisipa ang chair ko kanina pa. Gusto ko man sawayin, nagpipigil nalang ako kasi nga yung mga mother nila ay kasama nila... Hay...

Ria, sabay tayo mag-enroll ha? Di ko mareach si Brent eh, nasa Ifugao na, baka walang signal dun... Tawagan kita baka mga bukas kasi baka tulog ka na mamaya. Leave me your sched or what time ka nasa house para I'll know when to call.

8 PM na pala.. Susunduin ako ni Ate Jing (si Doc) ng around nine. Unwind lang siguro. At last nagkaron na ako ng friend na girl, (make that a woman, heheheh) after ni Angela dito sa Gapo.. Kasi naman, bakit kelangan pa umalis ng bestfriend ko.. Sana nga umuwi na sha eh, sana rin natatanggap nya mga snail mail ko. Ayoko kasi ng email, mas personal kapag handwritten talaga... Heheheheh. Kahit nga si Ate Jing pinagnanasaan si Danly.. mala-Mulawin daw! hahahaha!=) Nagpapasta kasi ng teeth si Danly kanina. Shempre kasama niya si Jayson... May hunch nga kami na baka "sila" eh heheheh. Ikaw ba naman kung lalaki ka at magpapapasta ka ng ngipin eh magpapasama at magpapahintay ka pa ba sa guy friend mo? Heheheheh...

Wala ang parents ko sa house. In other words, I'm home alone kung hindi ako lalabas. Induction kasi ng father ko sa Integrated Bar of the Philippines sa loob ng SBMA tonight. Vice President sha. It was a formal gathering and my mom accompanied him. Puro oldies daw so we can't come ng sis ko, di kami makaka-relate. Si Ate Paula (my sis) naman, feeling ko badtrip sa akin. Akala kasi nya wala akong lakad, eh magyayaya cguro sha magcoffee or something.. Eh yun, I told her I will go out with Ate Jing so umalis na sha ng house, I think she went out with her guy friend Ronald. Feeling ko nagseselos na si Ate Paula kay Ate Jing coz parang mas close ko pa sha kesa sa totoong ate ko... Masyado kasi uptight ang ate ko eh... Too mature.. She's totally unpredictable. Saka kahit bayaran mo sha ng 1 million, you can never make her go to a bar. Nagbabar lang sha kapag kasma nya friends nya, but with me, no. So there... Why am I suddenly feeling guilty?

Summer's almost over. I had no summer love.. nothing. Rain starts to pour again. It makes me really sad just to hear the rain. Parang... parang narerealize ko talaga na ganun na pala ako kalonely. Kanina, nagbabasa ako ng isang romantic pocketbook while nakahiga sa bed. Tapos umuulan... Parang lalo tuloy ako na-sad. Sabi nga ni Ate Jing, iinom ko nalang. Margarita lang at Tequila tapos na ang loneliness... Kung sha nga na may asawa, nalulungkot at nag-iisa eh, ako pa kaya na wala, ni boyfriend o ano. Iniwan siya ng hubby nya para sa isang mas matanda sa kanya na may balat sa mukha. O diba? Mas grabe... Kaya nga lagi, pag nakikita ko si Jayson, pag nasasad ako at kay Ate Jing ako umuungot, lagi nya sinasabi, there's nothing permanent in this world... puro change. And lagi nya ineexample sarili nya. Siguro, kaya kami close.. we have something in common. Sha na iniwan, at ako na laging iniiwan. Kaya nga ngayon, defense mechanism ko na kapag may nakikilala akong guy at nafifeel ko na parang malu-lose ko na sha, iniiwan ko na sha kagad... para may pride ako sa sarili ko at para hindi masyadong masakit. Mas nasasaktan naman talaga ang iniiwan kesa sa nang-iiwan eh. I don't know if what I am doing is right.. Marami na rin akong nasasaktan na guys at aware ako dun. Pero mas mabuti na yun para sa akin.

I guess hanggang dito na lang... Grabe, I can't believe this, dito na ako nagsenti sa blog. Well, I hope you will just bear with me.. Baka kasi pathetic na ako sa paningin nyo or something... Mwah.

0 comments





May 24, 2005 ~ 11:00 AM

I met someone... Isang member ng acoustic band dito.. Sa Brew's Bistro, a bar here in Gapo.. His name is Deo. And he is so0o0o handsome. I'll try to take a pic of him para may visual aids naman... Gumimick kasi ako with my dentist friend last friday. Eto, baliw na baliw ako kay Deo kaya gigimick uli kami bukas, hahahahah!=)

Funny. I thought hindi ako patok sa Olongapo kasi iba ang taste for beauty ng mga tao dito... Pero nung lumabas kami nung friday, napuno ng mga tequila yung table namin. Ang daming nagpadala. Of course hindi namin ininom. Baka hindi makapagdrive yung friend ko at ayoko naman matulog dun sa bar. Saka shwanget sila. Mukhang mandirigma. Inaway pa ako nung ka-table nilang girl sa may CR. Kaya umalis kami kagad ng Brew's. I hope bukas wala sila dun. Ayoko ng gulo.


Regarding KC the Mr. Handsome (Refer to the pics below, hindi yung nasa post na ito ha, nasa previous post:

Don, hindi naman sha mukhang bakla ha? I like him.. I think I'm in love heheheh.=)

Aryt, dahil kapos ako sa time and I gotta get home na, I'll just acknowledge the presence of my beloved friends!=)

Jam, I agree with you, KC kinda looks like Oyo dun sa unang pic pero mukha shang pinaghalong Troy and Deither.=) Diba?

Cge Ria, call ako sa iyo, text me lang kung kelan ka naka-sun, minsan kasi nakaglobe ka eh.. Marami ako kwento sa iyo. I'll call you tonight. I hope mabasa mo ito.=) Yup, kakaririn ko ang KC na yan, mapatunayan ko lang na hindi sha bakla... but how? Hmnn... =) Aakitin ko sha! Pag walang talab, bakla sha! Joke joke joke!=) Miss you too!

I am pretty sure you are all curious as to what my ex looks like... Ria, eto na ang pinakahihintay mo. Alam kong curious ka sa kanya noon. Eto, napirata ko sa multiply ng friend nya. Heheheh!=) This is him.. Jayson on the left and his friend Danly on the right.

nye

0 comments





May 18, 2005 ~ 4:56 PM

KC...

We have the same name... He is so cute...


This guy is so handsome, isn't he? I actually don't know him. He just added me from MySpace and his name is "KC", same as my initials... My sister said he is probably gay because he is too good to be true... Gosh... What a hunk. Where the hell could I get a guy like this?

I'm here in Olongapo, I got 4 more weeks to go and I am clueless as to how I would spend those long weeks here. Aside from another driving class, and upcoming weekend gimmciks with my dentist, what now? What now?

Kuya Jay sorry di ako nakakatext, laging walang load and lagi ako naka-sun cell lately. I felt the necessity; it's cheaper nga naman to call your friends through sun kesa maglong distance. O kelan mo naman ako dadalawin uli? Heheheheheheh.

0 comments




Here in my friend's internet cafe...
May 11, 2005 ~ 4:40 PM

I'm here in Arthur's internet cafe, just outside SM Manila. Mikel, my friend, is also here. Nasa right ko nakaupo and naglalaro ng NBA. Heheheh. Kanina pa ako here, since 3 pm. Now lang kasi ako nakadalaw kahit matagal nang operational yung cafe.

Later, magmimeet kami ni Don na neighbor ko before, probably kwentuhan lang about sa past. Matagal kasi kaming nawalan ng communication, my deed actually kung bakit.

Nakakatuwa si Perry. Kanina kasing mga 1 a.m., nag-iiyak ako sa kanya dahil nagising ako just to find out na nag-allergy ako sa bopis na dininner ko last night. Nakakatuwa kasi gusto nya kagad lumabas ng house nila and maghanap ng botika para bilhan ako ng anti-allergy na gamot. Eh hindi naman pwede kasi bawal nang lumabas ng dorm or mag accept ng visitor ng 1 a.m. So ang nangyari, usapan mga 6 a.m. aabangan ko siya sa dorm. Tamang tama kasi dadating si Tita Carmen (mama nila Perry) and susunduin nya sa station ng Florida Bus sa may Earnshaw St. ng mga 6. Kaso hindi ako nagising, 7 na ako nagising. Pagtingin ko sa phone ko, may mga message sha pati si Tita. Sabi ni Perry, "Good morning mela, nasa pinto yung gamot, may instructions din na kasama kung pano mo inumin. Take care."

Sabi naman ni Tita Carmen, "Good moring ms. pretty girl! Nandito nanaman ako sa manila to work."

So bumaba ako ng double deck and I opened the already half-opened door kasi iniiwan ko talagang bukas ang kwarto ko pag natutulog ako para pumasok ang hangin. Tiningnan ko yung sahig, wala namang gamot. I wondered, san kayang pinto ang tinutukoy ni Perry?

Lumabas ako, bumaba at nagtanong sa mga dormmates ko kung nakita ba nila si Perry. Hindi daw. So umakyat nalang ako and to my surprise, nakita ko ang gamot.

Naka-tape sa labas ng pinto ko. Heheheheh. Tinanggal ko sa pagkakadikit ang gamot na nasa plastic and inopen ko yung note.

"Hi Mela, eto yung instructions, pagaling ka ha. Take care."

Awww... Perry talaga...

I called Perry.

"Ikaw talaga! Nag-abala ka pa talaga! Heheheheh. Ang sweet mo naman, thanks ha.=)"

"Wala yun, basta sa ikagagaling mo."

"Teka, ikaw ang nagdikit? Umakyat ka dito kanina?"

"Hindi ah... Si mama.."

Awww... ang sweet sweet talaga nila... Sabi sa akin nung isang dorm mate ko,

"Girl, ang lakas ng kamandag mo ha? Gustong-gusto ko ng mama ni Perry..."

Heheheheh. *blush*

Grabe... I am so touched. Hindi kinakalimutan ni Perry yung pangako nya na aalagaan nya ako lagi...

O sha sha, time for acknowledgement nanaman.

Ria, miss na rin kita, ok lang, i understand naman po eh. =) Miss na miss na kita, binabasa ko kanina yung sulat mo sa akin about jayson, remember? Touched na touched ako. Love na love talaga kita. Ingat kayo ni Jasmin sa OJT ha? Mwah. Hanapin mo si Noel Celis. Gwaping yun na photog. Pakisingil na rin yung pictures ko sa kanya ha? Pinangako nya kasi yun eh.=)

0 comments




At last... I have time to blog...
May 09, 2005 ~ 3:14 AM

Sorry guys, I was busy these past few days...

Today, kinuha namin yung certificate ng ojt namin sa people's. At last, tapos na. I still got a month para magbakasyon. Sa friday pa ako makakauwi ng gapo, kasi yun lang ang time meron ang dad ko to pick me up. In other words, may time pa ako magliwaliw until thursday. I guess I need to start packing my stuff na. Wala namang latest sa akin eh. Chika? Hmnnn... May nanliligaw sa aking gurang na reporter named Noel Alamar of DZMM. I know, I know. Even Brent and Badet think it's gross and unethical for a reporter to do that, especially na may anak siyang kasingtanda ko. Sabi sa inyo eh, maraming bantay-salakay sa mundo, kunwari bait-baitan, yun pala may ibang intention. Hindi ko pa alam kung pano sasabihin sa kanya na he should find someone his own age which is early 40s.

Anyway, nabasa nyo na ba yung email na nakakatuwa.. a short story about sa ex? I'm sure nareceive nyo na ito.. kung hindi pa, here it goes...

"Byernes ng umaga. micropara ang subject ko.. on the way to school,
naghihintay ng jeep sa kanto, tapat ng jollibee, papuntang
stop&shop. I had time to spare. namili ako ng may sounds, nakapili ako, tamang
tama maingay. konti ang tao. sumakay ako. pagtingin ko, nakasabay ko
pla ang ex ko. matagal dn kmeng walang communication. 2 years.
nagkatitigan kami. nagkahiyaan. nagngitian at nagusap. kinamusta ko
siya. single. kinamusta nya ko. single din. nagkahiyaan uli.
naiilang ako at alam ko sya den. biglang tumugtog ang "jeepney". nagkatitigan
kami at medyo matgal naglock ang mga mata nmen. napatawa na lang
kameng 2. "ganda ng song noh?" sbe nya. "oo nga.. very relevant" sbe
ko. nagngitian uli kame. natapos ang kanta ng ito lang ang
napagusapan nmen. mayamaya, pababa nko. "bye dito nko" sbe ko. he
nodded. ok na. pag tayo ko, hinawakan nya kamay ko, sabay sabi
ng "ingat ka. namiss kita". parang ayoko ng bumaba pero kailngan.
ndi ko na alam kung magkikita pa uli kami....."

You know what? This is exactly what I feel for Jayson. My dentist Doc Gemma was suggesting something... for Saturday daw. Yayain daw namin magcoffee si Jayson. Usap lang ganun. Tingnan namin kung papayag. Para masagot na yung mga sanga-sangang katanungan na gusto ko itanong sa kanya. Just for an hour lang. Friendly chat.

But deep inside, iniisip ko, "Why even bother? What for? Tapos na kami eh, hindi na maibabalik ang lahat at ayoko na rin naman eh.."

Pero ayoko na nga ba?

Ewan ko.

Di ko alam.

Kung sino sino naman ang dini-daydream ko eh.

Si Patrick, yun pang gago na yun. Tama ba namang ibigay ang number ko dun sa friend nyang si Ren na obvious namang metrosexual? Ewww.

Kelangan ko muna pag-isipan ang mga dapat kong gawin bago ako gumalaw.

I am so confused. So confused.


Time to acknowledge na ang aking visitors:

Rix, thanks girl, you are so correct.

Don, sinend ko na po sa email mo.


Anyway, nakameet na ba kayo ng taong super walang ibang ginawa kundi hanggang salita lang? Yung magyayaya pero hanggang salita lang? Kasi ako oo, pero ayoko na banggitin ang name nya dito at ayoko maging issue. Ang masasabi ko lang, from now on, hindi ko na iti-take seriously ang taong yun, lalo na pag nagyaya sha. Perfect example sha ng "talkies" talaga. Screw that person.

And to Brent, if I was inconsiderate and abrasive, sinadya ko talaga. Coz I thought ikaw yung may problema. Sorry tol, ingat sa Ifugao. Sana bumalik tayo sa dati kasi hindi naman tayo ganyan sa isa't isa before "everything", gets? Alam mo na yun. You'll always be my besty.

0 comments




Don Angelo...=P
May 05, 2005 ~ 4:36 PM

How are we supposed to talk? I don't even know how to reach you and you don't know how to reach me too.=)


Teka.. pano mo nalaman ang blog ko? Hmnnn... heheheheh.

Alam ko parin kung saan ang house mo.. kahit marami akong pinagbago, I can never deny na you were a part of my life. Dahil ikaw lang naman ang inofferan ko ng Stick-O sa buong buhay ko at pinagkatiwalaan na imeet kahit sa MIRC lang kita nakilala. Heheheheh. At shempre pa, alam mo yung tungkol sa mga kalokohan ko nung 2nd year college ako. Hekhekhek.=)

Ingat lagi dude!=)


****

Last day na ng OJT ko bukas. Malungkot coz I know I will miss the media people na lagi akong inaasar at niloloko in a positive way.. yung mainit na press room at si Ma'am Mia.

Mamimiss ko si Grisly Bear at yung mga police na super bait at accomodating, especially si Detective Dennis.

Kaninang umaga, press con sa Anti-Illegal Recruitement Task Force sa may likod ng DLSU. Yun lang, prinesent yung pretty na bakla na recruiter nung babaeng tumalon sa building sa Malaysia na surprisingly nabuhay upang makauwi sa Pinas at magcomplain sa pang-aabuso at pangrarape sa kanya ng Malaysian na boyfriend ng amo nya. At pinagtritripan ako nung mga photographer. Sinabi ba naman dun kay ARTF Director Jaylo na vitim ako at ako ang pinipicture-an nung isang photgrapher. Heheheh. Parang ewan.

Tapos kaninang hapon, press con ni Asi Taulava yung basketball player sa NBI about his real nationality and citizenship. Woah, man, was he tall! As IN! Siguro bewang lang nya ako. Nanliit ako nung tumayo sha... ako kasi ang unang nagpa-autograph. Kakahiya nga kay Sir Noel kasi siya ang kumausap dahil nahihiya kami magsabi. Ako unang lumapit, all smiles dahil start struck ako hehehehh. Sunod si badet, chinika nya saglit, (English ha!) kung gusto maglalaro daw si Asi sa PBA. Sabi nia Asi, "I want to!" In a slang na super cute.=) Sunod si brent ang lumapit. Grabe, ang laki laki laki laki nyang tao. Yun lang ang masasabi ko. And cute sha.=)

Pagod na pagod na me and inaantok. Nasa Sm Manila me. Uwi na me... Para sleep na me. Heheheh.=)

0 comments




wahhhh!!!
May 03, 2005 ~ 3:18 PM

sorry peeps, sira pa ang tagboard... huhuhuhuh... miss ko na kayo....=(

0 comments




Finally...
May 01, 2005 ~ 6:10 AM

Finally, I am dating someone real.


You guys know about perry, right?


Well we are going to hear mass together tomorrow. The guy is really treating me right... The way I deserve to be treated.

He is different from the rest of 'em. That's all I can say about him. He does not have much and he is not that stunning as those other guys I dated before but there is something about him which I really like.

May manghuhula kanina sa parlor.. a professional one. Nakita ko lahat ng customers nagpapahula so I did too.

Here's what she told me according sa mga baraha nya.

1. Magiging successful ang career ko as a reporter, at magboboom ito in a span of 3 years, aangat kagad ako.
2. May maiinlove sa aking 25 above na guy na super yaman at nagwowork sa ibang bansa na hihingin ang hand ko for marriage.
3. Magkakatuluyan kami ni Perry. Baka mapasubo ako sa kasalan kasi gustong gusto no daw magpakasal ni Perry, and he really is passionate in loving me.
4. Dadalhin daw ako ng mapapangasawa ko sa ibang bansa, at magstostop ang career ko.
5. Mamimili daw ako kung yung old rich guy o si Perry.
6. Wala na talaga si Jayson sa buhay ko kasi pupunta na siya sa ibang bansa, although mag-aattempt sha na makipagbalikan sa akin, hindi nga lang ngayon.

Hay... maniniwala ba ako o hindi?

Anyway, I gotta go, babalik pa ako ng Manila.=)

Mga Pahabol:


Ria, kahit ano mangyari sa lovelife mo, suportahan ta ka. =) happy parin ako for you. I can't wait for you to meet Perry, I'm sure you'll like him kasi mga ganun ang tipo mo.=) Patapos na ojt namin so baka hindi na tayo magkita sa port... i miss you so much.

Rix, thanks ha... sana for once, hindi na maging curse ang mukha ko... Tama ka, my face is a blessing and a curse as well. Blessing coz may naaattract ako, curse kasi ang mga naaattract ko gago. Sana si Perry hindi gago.=)

A friend, kaw tlga pati buhay ni ria pinapakialaman mo heheheheh.=)

Kuya Jay, the best daw ang blueberry jam na galing sa company mo sabi ng Parents ko. Ang sarap sarap daw tlga at pinagsisisihan ng mom ko na di sha marunong mag-bake.=)

0 comments